Abante Tonite Interactive

Gold ni Saso, paano pinalo?

SWAK!

By
713

Jakarta — Isa sa mga maliit at kayumanggi si Yuka Saso kaya maaring madaling malampasan kung mamasdan ninuman ang may 272 atletang delegasyon ng Pilipinas sa 18th Asian Games 2018 na kumakampanya sa kabiserang lungsod na ito ng Indonesia at sa Palembang City, Sumatra Province.

Pero nabago na ang lahat mula noong Linggo, Agosto 26 ng gabi tapos ibantayog ng 17-taong-gulang na tinedyer na Haponesang-Pinay nang taas-noo at balikatin ang bansa sa kagila-gilalas na hindi basta malilimutang mala-aklat na kuwento na unang kampanya niya sa pagwawakas ng apat na araw na women’s golf sa Pondok Indah Golf and Country Club dito.

Patalo na ang dalagitang tubong San Ildefonso, Bulacan makaraang mag-double-bogey sa par 5 No. 17 dahil sa pagkaiwan ng tatlong palo sa nagtatrangkang si Wenbo Liu ng China. Pero hindi ninerbiyos ang Filipina golfer sa ika-18 at huling butas.

Abante Hiring – IT dep

Nang marating ang par-5 hole sa 2 shots, suwabeng sinalpak ng Pinay ang 10-foot put para maka-eagle upang tapusin ang labanan, nagsulsi sa kataka-takang pagbalikwas pa para manalo tungo sa 6-under par 66 at 4-round total 275.

Lider ang 17-taon ding Chinese mula umpisa (round 1) hanggang papasok ng ika-4 at pinaleng yugto ng tatlong hampas kay Saso. Kinabahan sa ragasa ng Pinay, nag-quadruple bogey siya sa nabangit ding butas pa-1 over 73 at ibigay kay Saso ang gold medal sa individual play na iwan ng 3 palo (275).

Pero hindi lang doon natapos ang magandang balita para sa PHL women’s golf squad sa par-72, 6,252 yard layout. Naging matikas din ang laro ng kakuwadrang si Bianca Pagdanganan na pasiklab din ng 66 upang madale ang bronze.

Sa pinagsamang iskor ni Saso at ng incoming University of Arizona senior, isang US NCAA Division 1 school, sinarado ng Nationals ang team event sa 554 upang maka-gold din.