Abante Tonite Interactive

Golden State tagumpay sa pambubulabog kay LeBron

By
1,215

Sabay sa pagliliyab ni Stephen Curry sa labas ng 3-point line, binubulabog naman buong Game 2 ng Golden State Warriors si LeBron James.

Si Kevin Durant ang pangunahing tinoka ni coach Steve Kerr na bumantay kay LeBron, kailangan nilang pigilin ang Cleveland superstar para hindi masundan ang 51-point performance noong Game 1.

Pinaghirapan ni James ang 29 points niya sa laro, nakapagbaba pa rin ng 13 rebounds at kinapos ng isang assist para sa triple-double.

Pero walang naisagot ang Cavaliers kay Curry, 9 for 17 mula sa labas ng arc tungo sa 33 points para bitbitin ang Warriors sa 122-103 win at 2-0 lead sa NBA Finals.

Inari din ng Golden State ang Game 1 124-114 sa overtime sa tulong ng blunder ni JR Smith sa final 4.6 seconds ng regulation nang sa halip na tumira habang tabla sa 107 ay nag-dribble palayo sa basket ng Cavs.

Linggo ng gabi, 10 of 20 si James sa field kahit maga at namumula ang mata. Uminom siya ng antibiotics at gumamit ng eye drops matapos masundot ni Draymond Green sa opener.

Ang stats ni James sa first half: 15 points, eight assists, seven rebounds, two steals. Dumating ang unang puntos niya – una din ng Cleveland – sa goaltending violation ni JaVale McGee.

Si Curry, binasag ang dating record ni Ray Allen na eight 3s sa isang finals game. Sina Splash Brothers Curry at Klay Thompson pa lang ang players ng Warriors na may 300 3-pointers sa postseason. Pang-anim si Thompson na nakagawa nito sa kanyang 100th postseason game.