Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Goma puntirya Kongreso

0 49

Puwede pang tumakbo para sa third & final term si Ormoc City Mayor Richard Gomez, pero makikipagpalitan siya ng puwesto sa kanyang asawa na two-termer ding Leyte Fourth District Rep. Lucy Marie Torres-Gomez sa May 9, 2022 national polls.

Kabilang ang alkalde sa mga sportsman, sports official, athlete at former player na papalaot para sa public service.

Bukod sa pagiging alkalde, ang 55-year-old, 6-foot-1 na si Goma ang kasalukuyang Philippine Olympic Committee second vice president, at mga pangulo ng Philippine Fencing Association at Philippine Modern Pentathlon Association.

Related Posts

Bago naging lider, isang multi-sport athlete si Gomez. Dating varsity volleyball player ng Arellano University, naglaro sa Asian Men’s Volleyball Club Championship at sa Philippine Super Liga.

Siya’y gold medalist naman sa Southeast Asian Games fencing at naging national shooter at rower din. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.