Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Goma sumawsaw sa pagbaboy kina Sharon, Frankie

0 515

Nagbigay ng payo si Richard Gomez sa isyu nina Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan na binu-bully sa social media.

“Siguro tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin at mayroong ayaw,” lahad ni Goma sa Facebook live ni Ogie Diaz.

Sinabi rin ni Goma na karapatan ni Sharon na idemanda ang director-writer na si Ronald Carballo kung ano ang gusto niyang ikaso.

Related Posts

“Pero parang nakita kong humingi na yata siya ng paumanhin, well it’s her right,” sambit niya.

Nakikita rin ng actor-politician ang problema na walang control ang pagpo-post ng mga netizen sa socmed. Malaya nilang pinapaskil ang kanilang galit at opinion na hindi iniisip bago i-click.

“Minsan, masakit at napupuno ka na, kahit naman ako sumasagot ako sa mga ganyan. Tao rin tayo na nasasaktan, taong may damdamin kahit naman ako madaling mapikon, so, ang ginagawa ko kung kaya ko silang i-delete, dini-delete ko sila, kung kaya so silang i-block, bina-block ko sila,” sey pa niya. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.