Abante Tonite Interactive

Gomez, Bersamina purnada sa World Cup

189

Kinapos sina Filipino Grandmaster John Paul Gomez at International Master Paulo Bersamina sa asam na tumulak ng piyesa World Cup.

Sumalo sa fourth place sina Gomez at Bersamina subalit pagkatapos ipatupad ang tie break points ay lumanding lang sa fifth at seventh place sa men’s division ng Eastern Asian Zonal 3.3 Chess Championships 2019 sa Mongolia.

Nauwi sa draw ang laban ni Gomez, 32, kay Mongolian bet Sugar Gan-Erdene sa ninth at last round nitong Lunes habang nanaig si 22-year-old Bersamina kay local bet Bayaraa Chinguun upang ilista ang tig-anim na puntos sa event na ipinatupad ang nine rounds Swiss system.

May pitong puntos si Indonesian GM Susanto Megaranto kasalo sina Gan-Erdene at Vietnamese IM Nguyen Van Huy. Pero hinirang na kampeon ang una dahil sa mataas na tie-break points.

Pumangalawa si Gen-Erdene kaya kasama niya si Megaranto na sasabak sa Chess World Cup 2019 sa September 9-October 2 sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Masaklap para kay Gomez ang pagkatalo dahil kasama siya sa mga nangunguna sa unang limang rounds, nalaglag lang sa tuktok nang masilat sa sixth round kay Bilguun.(Elech Dawa)