Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gomez de Liano bokya pa rin

0 92

Kumayod si Juan Gerardo Gomez de Liano ng 11 points, 3 assists at 2 rebounds, pero nalasap ng Earth Friends Tokyo Z ang pang-apat na semplang sa gayung daming laro kontra Yamagata Wyverns, 84-55, sa 6th B.League 2021 Division II elims sa Japan Linggo ng hapon.

Si Jawad Williams ang naging tinik sa lalamunan ni De Liano at ng Earth Friends nang rumatsada ng 15 markers para sa Wyverns. Lima pang kabrigada niya ang mga bumuga ng double-digit marker.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Susubukan ni Gomez de Liano at Tokyo na matakasan ang apat na kamalasan sa darating na Sabado at Linggo sa pakikihamok sa Sendai 89ers. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.