Abante Tonite Interactive

Gomez draw vs Indon, nasa tuktok pa rin

230

Nakipaghatian ng puntos si Grandmaster John Paul Gomez kay Indonesian GM Susanto Megaranto sa round five upang manatili sa tuktok sa Eastern Asia Chess Championships FIDE Zone 3.3 Open sa Mongolia, Huwebes nang gabi.

Lumikom na ang 32-year-old Pinoy woodpusher ng apat na puntos, sumalo sa unahan kina Mongolian FIDE Master Urtnasan Nasanjargal at Vietnamese International Master Nguyen Van Huy.

Nakatabla si Nasanjargal sa kababayang si GM Bayarsaikhan Gundavaa habang tinalo ni Nguyen si FM Tsedvee Lkhagvasuren ng host country.

Sisikapin ni Gomez na palakasin ang kapit sa top spot, puntiryang manalo kontra Mongolian IM Sumiya Bilguun sa sixth round sa event na ipinatutupad ang nine rounds Swiss system.

Pinaglalabanan sa tournament ang dalawang slots para sa Chess World Cup 2019 na sa Sept. 9-Oct. 2 sa Khanty-Mansiysk, Russia. (Elech Dawa)