Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gomez petmalung sprinter

0 155

86th birthday bukas, Huwebes, June 3 nang isinilang noong 1934 sa Santo Domingo, Pampanga na si 1960 Rome Summer Olympic Games veteran sprinter Isaac M. Gomez.

Kaya siya po ang tampok sa TP ngayong araw.

Event ng 5-foot-5 Kapampangan runner sa naturang quadrennial sportsfest ang men’s 100-meter sprint at 4x100m relay kung saan pumanlima siya sa heat two sa 11.19 seconds at giniyahan ang Philippine team na pumang-apat ang sa heat 2 rin sa clocking na 41.4 secs.

Kahit hindi umusad sa next round sa dalawang event, isang matinik na mananakbo sa short distance sa dekada 50-60 noon si Gomez pagdating sa Asian continent.

Related Posts

Katunayan, nag-bronze medal o third placer siya sa 1958 Tokyo Asian Games sa 11.1 at dalawang beses binidahan ang PH relay squad na nag-gold medal o champion sa naturan ding tuwing ikaapat na taong paligsahan.

Pagkapanalo sa Tokyo, naidepensa ng Pinoy quartet ang relay gold sa 1962 Jakarta Asiad sa pamumuno niya.

Advance happy birthday po Mr. Olympic sprinter Isaac Gomez.

***

Advance happy birthday in heaven naman kay 1948 London Olympian sprinter Bernabe Lovina na ipinanganak ng June 11, 1921 at namatay noong April 15, 1985.

Leave A Reply

Your email address will not be published.