Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gomez umiskor, 4 pa olats

0 182

Binigyan ng munting saya ni Roberto Gomez ang muntik na pagluluksa na araw ng mga Pinoy sa Day 2 ng 23rd Derby City Classic 2022 sa Elizabeth, Indiana Linggo.

Wagi siya sa Diamond Bigfoot 10-Ball Challenge laban kay John Morra ng Canada, 11-7, pero nabigo sina Roland Garcia kontra Darren Appleton ng England 7-11, at Lee Van Corteza kay American Shane Van Boening 5-11.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman pinalad si Efren ‘Bata’ Reyes sa 9-Ball Bank sa 6-7 decision kay Kevin Ping ng host nation, 6-7, sa pagbabalik sa sport mula sa retirement. Malayo pa siya sa pormang naggawad sa kanya ng limang overall championship o master of the table sa taunang torneo. (Aivan Denzel Espiscope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.