Abante Tonite Interactive

Gong Yoo-Jung Yoo Mi ‘kasal’ tinutulan ng fans

By
2,590

HALO-HALO ang naging reaksyon ng mga taga­hanga ng South Korean actor na si Gong Yoo nang biglang bumulaga sa Korean news ang balitang ikakasal na ito at ang South Korean actress na si Jung Yoo Mi.

May mga nalungkot agad at merong nag-react nang todo. Tila hindi pa handa ang mga tagahanga ni Gong Yoo sakali at maisipan na nga nitong magpakasal.

Nakakagulat naman talaga lalo pa nga at hindi naman nababalitang may relasyon ang dalawa.  Pero, isa sila sa masasabing malapit sa isa’t isa dahil pareho sila ng management agency, ang Soop Entertainment.

Nagsimula ang isyu na ikakasal daw sina Gong Yoo at Yoo Mi dahil sa isang netizen na nag-post na ikakasal nga raw ang mga ito. Nakakuha raw ng source ang netizen sa mismong lugar na pagdarausan ng kasal, ang The Shilla ­Hotel. Nagpa-reserve daw ang dalawa noong January 7.

Mabilis naman nag-response ang Soop Entertainment at mariing itinanggi ang balita. Kumbaga, fake news lang pala ito. At planong magsampa ng legal complaints ng management sa nagpakalat daw ng maling balita.

Ang official statement ng Soop Entertainment na lumabas sa ilang Korean news sites tulad ng Soompi, “We are releasing a statement regarding the rumor that’s spreading on social media and various online community sites right now. The rumors about Gong Yoo and Jung Yoo Mi are totally false. From here on out, we will be taking firm legal action against rumors and malicious comments.”

Sabi pa ng isang source mula sa Soop Entertainment na itinanggi rin na may katotohanan ang balita, parang ‘younger brother’ nga raw ang trato ni Gong Yoo kay Yoo Mi.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang Train to Busan, ang nagpabalik ng popularidad ni Gong Yoo sa South Korea at ibang bansa. Kilala naman si Yoo Mi sa paggawa ng mga pelikula. Mas marami siyang nagawang pelikula – either indie o mainstream kumpara sa mga Korean drama.

Pero ngayon, kasalukuyan niyang ginagawa ang Korean drama na ‘Live’ sa tvN at ang second episode ng variety show na Youn’s Kitchen sa tvN pa rin.