Abante Tonite Interactive

Gong Yoo pabor sa part 2 ng ‘Goblin’

By
4,883

Siguradong ikatutuwa ng mga tagahanga ng South Korean actor na si Gong Yoo ang mga sinabi niya sa kanyang latest interview.

Nagkaroon ng event si Gong Yoo sa Taiwan noong June 24 at tinatayang may 1,000 fans daw siguro ang nagpunta.

Matagal-tagal na which is, isa at kalahating taon simula nang matapos ang hit drama niya sa tvN na Goblin at mula noon, wala pa rin bagong drama na ginagawa ang actor.

Matutuwa ang mga tagahanga niya dahil mukhang ready na muli si Gong Yoo na magbalik sa telebisyon. Siya mismo ang nagkuwento na bago magpunta ng Taiwan, nakipag-meeting daw siya sa kanyang agency para sa posibleng bago niyang proyekto.

Talagang gusto lang daw masiguro ng actor na maganda talaga ang magiging follow up niya sa Goblin dahil sa naging popularidad nga nito hindi lang sa South Korea kundi maging sa ibang bansa.

Ayon kay Gong Yoo, “I hope to greet everyone again with a good project soon, whether it’s with a movie or a drama,” and “I’m being very careful and thorough in choosing a new project because I received so much love through ‘Goblin.”

Tila binigyan pa niya ng assurance ang mga fan na present sa Taiwan event niya nang sabihin nga niyang, “I actually spoke with my agency before flying here about my next project.”

Napag-usapan din kung sakali at gawan ng second season o part 2 ang Goblin, papayag ba siyang muling magbida rito.

Positibo naman ang naging sagot niya. Ayon kay Gong Yoo, “There probably aren’t plans for a second season, but if there were and I received an offer, I don’t see any reason for me to say no.”

Sa mga local celebrity, si Gong Yoo ang masasabing Korean idol naman nina Anne Curtis at ngayon nga ay maging ni Sharon Cuneta.