Abante Tonite Interactive

Gong Yoo pakalat-kalat sa bakery

507

Muli na namang nakita ng ilang Korean netizens si Gong Yoo .Hindi umastang artista at isang ordinaryong mamamayan lang din.

Noon pa man, kapag walang work, makikita si Gong Yoo na nasa bahay nito sa Jeju Island doing the ordinary things.

Last year, kumalat din ang larawan niya sa isang store na spotted habang bumibili ng kandila. This time naman, naging viral ang larawan ni Gong Yoo na lumabas sa isang bakery sa Gyeongsangbuk-do.

Makikita sa larawan na may dala itong brown paper bag na naglalaman ng mga breads. Hindi naka-disguise si Gong Yoo. Naka-casual wear lang pero walang suot na mask o shades na kadalasang pang-disguise ng mga idols.

May balitang nasa area si Gong Yoo dahil daw sa isang photoshoot.

Ilan sa mga comments, “I became a fan as soon as I saw these“, “I’m a man, and I’m in love with Gong Yoo“, and “I can’t believe how handsome he looks.”

Hinahangaan lalo si Gong Yoo . Kahit daw isa itong malaking celebrity sa South Korea, hindi raw nito hinahayaang maging hadlang yun para magawa ang mga gusto niyang gawin.

Sa isang banda, may tsika na may napili ng comeback drama ang actor. Ang huli pa niyang ginawa ay ang Goblin.