Abante Tonite Interactive

Gong Yoo, Park Bo Gum sanib-puwersa sa pelikula

154

tonite-annyeong-rose-garcia

May balitang lumabas kahapon sa ilang entertainment portal ng South Korea na diumano’y posibleng magsama sa isang pelikula sina Gong Yoo at Park Bo Gum.

Si Gong Yoo ay kumpirmado na sa pelikulang “Seo Bok” na magsisilbing comeback niya sa pelikula after his very successful “Train to Busan.” Eh, ‘yun pala, may offer rin kay Bo Gum na maging isa pa sa cast ng movie.

Inamin naman daw ng isa sa mga representative ng agency ng actor na may offer nga. “He received an offer [for ‘Seo Bok’] and is positively reviewing it.”

Bukod sa posibleng pagsasama nina Bo Gum at Gong Yoo, may posibilidad din daw na makipag-collaborate si Bo Gum sa isang mi­yembro ng BTS na si V na isa sa malapit din sa actor.

Graduate si Bo Gum noong isang taon sa Myongji University. At may kinalaman sa music at performances ang kinuha niyang kurso.