Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gonzaga, Bolts sinungkit titulo

0 31

Siniguro ng Meralco na hindi na makakahulagpos sa kanila ang titulo ng 1st PBA 2021 (3×3) Lakas ng Tatlo.

Dinomina ng Bolts ang Platinum Karaoke 21-16 sa game finale ng second leg nitong Miyerkoles sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pinangunahan ng 7 points ni Tonino Gonzaga ang balanseng scoring ng Meralco. Nag-ambag ng 6 si Joseph Sedurifa, may 5 si Dexter Maiquez at galing ang 3 kay Alfred Batino.

Binitbit ng 11 points ni Carl de Chavez ang Platinum, kinalos ang Limitless Appmasters 21-16 sa final four.

SM food to go Banner Ad

Nilaktawan ng Bolts ang San Miguel Beermen 21-12 sa knockout quarters bago sinipa ang maiden leg champion TNT 21-13 sa semis.

Naubusan ang Meralco sa Tropang Giga sa final ng first installment ng two-day 3-a-side ng liga noong Linggo.

Ibinulsa ng Bolts ang P100K top prize, P50K ang iniuwi ng Platinum.

Sa battle for third, pinagdiskitahan ng TNT ang Limitless 21-14 para maka-salvage ng P30K. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.