Gonzaga mala-Santa

Pinatunayan ni Philippine SuperLiga (PSL)-Premier Volleyball League (PVL) star Jovelyn Gonzaga ang kanyang pagiging isang madasalin nang ipahiwatig na hindi dapat mawalay sa buhay ang Panginoong Diyos.
Sey ng 29-year-old, 5-foot-9 Ilongga Miyerkoles sa kanyang social media account, ‘Never permit mo to be separated from you’ kasabay nang pagpapasilip niya ng larawan ng isang altar.
Hindi kasi maipagkakailang relihiyosa ang Cignal HD Spikers at Pacific Town-Army Lady Troopers dahil sa madalas na kanyang mga post ay may kaugnayan sa Dakilang Lumikha.
Sa katunayan, binuo rin niya ang Misa de Gallo nitong holiday season.
Sa February ang balak na balik ng PSL via bubble habang sa April naman ang professional nang PVL. (Aivan Denzel Episcope)