Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gonzaga sa scribe awards

0 335

Maraming nagsilbing atleta bilang frontliners sapul nang magka-Covid-19 isang taon na ang nakalilipas upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap.

Bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kawanggawa, gagawaran ang ilan sa kanila ng ‘Special Recognition’ sa virtual San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Sabado, March 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

Related Posts

Ang special citation ang bahagi sa 2020 honor roll sa pinakamatagal na media organization sa bansa na pinamumunuan ng pangulo na si Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin, sa event na ipiprisinta ng SMC at mga suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV.

Sina SEA Games gold medal winners Nikko Bryan Huelgas at Maria Claire Adorna ng triathlon, PH men’s volleyball coach Dante Alinsunurin at players Jessie Lopez at Ranran Abadilla, UST Tigresses mentor Emilio Reyes Jr., at national women’s volleyball team member Jovelyn Gonzaga ang ilan sa athletes-frontliners na itinaya ang kanilang buhay para magsilbi sa bansa sa panahon na kailangan ang tulong ng karamihan.(RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.