Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gonzaga 1st sa Army class

0 286

Hindi sagabal ang pagiging atleta at sundalo upang umangat ang isa sa pag-aaral.

Pinatunayan ito ni Premier Volleyball League, Philippine Super Liga star at Philippine Army Sergeant Jovelyn Gonzaga nang mamayagpag sa academic class sa average ng 90.47 kaya binigyan ng commendation certificate ng Hukbong Katihan.

“Excellence is never an, accident. It is the result of high intention, sincere effort, intelligent direction, skillful execution and the vision to see the obstacles as opportunities,” suma Miyerkoles ng edad 29, may taas na 5-8 at dalagang tubong Iloilo. “Complied! Thankyou Lord. On to the next.”

Hindi na sumali sa women’s indoor tryout ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa Subic sa kagayang araw si ‘Bionic Ilongga’ sa pagpapaubaya na sa mga mas bata sa kanya. Pero magpapatuloy pa rin sa sport, sa beach volleyball.

Isang manytime national player na may bronze medal, marami na ring championship at individual award na napasakmay si Gonzaga mula sa V-League at PSL. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.