Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gonzaga, Valdez pinagpalit volleyball sa golf

0 483

Lipat karera!

Matapos mawalay sa isa’t isa ng halos siyam na buwan sina volleyball stars Jovelyn Gonzaga at Alyssa Valdez, muli na silang nagsama at naglaro.

Pero hindi sa sa Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) games kundi para mag-golf.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa IG story Lunes ni Cignal HD Spikers/PacificTown-Army Lady Troopers player Gonzaga, makikitang busy ang dalawang national volleyball team members sa paggo-golf.

“After 9 months.. J @alyssa_valdez2,” caption ni Gonzaga kung saan makikitang nakaporma si Alyssa habang pumapalo ng golf ball.

Kahit magkalaban ang dalawa sa PVL, ‘di matatawaran ang maganda nilang samahan lalo na tuwing nirerepresinta nila ang ‘Pinas sa mga kompetisyon, huli sa 2019 Southeast Asian Games . (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.