Abante Tonite Interactive

Gonzaga wala nang injury, mangunguna sa Pacific Town

289

2019 PVL REINFORCED CONFERENCE TEAM PREVIEW

Tiyak aabangan sa pagbubukas ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference ang Pacific Town-Army Lady Troopers.

Isa ito sa anim na tropang maglalaban-laban para sa season-opening tournament na sisiklab sa Linggo, Mayo 26 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kung san defending champion ang Creamline Cool Smasher­s.

Abante Hiring – IT dep

Tampok sa batalyon ang pagbabalik ng Army sa volleyball scene at ang isa sa mga kilalang matinik, magandang balibolista na si Jovelyn Gonzaga, dalawang taong nagpahinga dahil sa ACL injury.

Sasamahan si Gonzaga nina dating UST stalwart Mary Jean ‘Ging’ Balse-Pabayo at Perpetual Lady Altas hitter Honey Royse Tubino.

Magiging malaking tulong din sa kampanya ng kampo ang dalawang reinforcements na sina Olena Lymareva na isang opposite hitter at ang middle blocker na si Jenelle Jordan.

Magawa kayang sumabay ng nagbabalik sa sport na bitbit ang mga beteranong players o lulubog ito kontra sa iba pang mga malalakas ding karibal? (Fergus Josue Jr.)