Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gonzolin, Dodgers puntirya ang titulo

0 83

Huling nagkampeon sa World Series ang Los Angeles Dodgers noong 1988.

Pagkatapos ma-strike out ni Orel Hershiser si Tony Phillips ng Oakland para sa final out, hindi na muling nakapagtaas ng World championship ang Dodgers.

Abot-kamay nila ang tropeo ngayong pandemic-shortened season, pero kailangan munang laktawan ang Tampa Bay Rays sa Game 6 mamaya sa Globe Life Field sa Arlington, Texas.

Isang panalo pa, at uuwi sa LA ang mailap na pampitong championship.

Si rookie right hander Tony Gonsolin ang starter ng Dodgers ngayon laban kay Blake Snell ng Rays.

Sakaling makahirit ang Tampa Bay, papalo ang winner-take-all Game 7 sa Huwebes. Kasado na ang salang ni Walkler Buehler bilang starter ng Dodgers, si Charlie Morton ang unang isusugal ng Rays. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.