Abante Tonite Interactive

Goo Hara bayolente ang break-up

By
232

tonite-annyeong-rose-garciaNahaharap ngayon sa isang police investigation ang South Korean singer/actress na si Goo Hara. Ang dahilan, may natanggap daw kasing report ang Gangnam Police Station noong September 13, 12:30 a.m. KST na diumano’y nauwi sa bayolenteng break-up ang naganap kay Hara at sa boyfriend nito.

Ang nobyo ni Hara ay isang hair designer na nakipag-break sa singer/actress. Pero bayolente umano ang reaksyon ni Hara. Hindi naman idinetalye sa soompi.com kung anong klaseng violence ang nangyari.

Pero ayon daw kay Hara, “it was two-sided violence.”

Ibig sabihin, hindi lang si Hara ang nanakit kung hindi maging ang boyfriend niya.

Dahil report lang mula sa ibang tao ang natanggap ng Gangnam Police station, mag-i-schedule pa raw ang mga ito ng individual investigations sa dalawa. Ayon sa source mula sa police, “Only the report has been received, and we will schedule with the individuals for the investigation.”

Ang agency ni Goo Hara ang nagbigay ng statement sa isyung ito. Pero ayon sa mga ito, lately ay wala raw silang komunikasyon pa sa singer/actress.

Ang pahayag nga ng Content Y Agency, “We just heard the news. Goo Hara has not had schedules recently, so we haven’t been able to get immediately in contact with her. Currently, Goo Hara’s manager and others are attempting to get in contact, and we will announce an official statement after checking.”

Sa isang banda, noong isang Linggo, may lumabas na balitang diumano’y nag-attempt ng suicide si Hara. Pero mabilis itong pinabulaanan ng kanyang agency.

Naglabas sila ng statement kung bakit naospital ito.

“She was diagnosed with nothing else in particular. The doctor said to take a break, so she is resting. She will not be working for a while. We will focus on getting her health back to normal.”

“Goo Hara is suffering from insomnia and indigestion, and she has been receiving treatment for a while. Her condition deteriorated after taking some new medication, so she was hospitalized. She rested well and she’s not in a critical condition. All the talk about suicide is just a rumor.”

Si Goo Hara ay 27 year old at nag-debut noong 2008 bilang miyembro ng girl group na “Kara”. Taong 2011 naman nang mag-debut siya sa acting sa pamamagitan ng Korean drama na ‘City Hunter.’

Taong 2015 naman nang mag-debut siya as a solo artist at kasabay ng pagiging aktres, singer niya ay pinasok din ni Hara ang hosting.

Pero sa mga naglalabasang isyu sa kanya ngayon, nag-aalala ang mga tagahanga niya na pakiramdam daw nila, may problema itong pinagdadaanan talaga at baka cover-up lang ng kanyang agency ang sinasabing ‘nothing to worry’ rito.