Abante Tonite Interactive

Goo Hara sinaktan, inabuso ng boyfriend

251

tonite-annyeong-rose-garciaPagkatapos na maunang magpa-interview ng hairstylist boyfriend ng South Korean singer/actress na si Goo Hara sa isang news outlet sa diumano’y ginawang physical assault sa kanya ni Hara nang magkaroon sila ng pagtatalo, hindi na rin hinayaan ng singer/actress na tahimik lang siya sa isyung ito.

Nilabas na rin ng Dispatch ang dahilan ng pag-aaway ni Hara at ng boyfriend niya sa pamamagitan ng text messages sa pagitan ng dalawa, gayundin sa text message ng boyfriend ni Hara sa housemate ng huli at gayundin ang phone conversation sa pagitan ng boyfriend at manager ni Hara.

Nagsimula ang lahat dahil sa diumano’y pagsisinungaling ni Hara na noong nakipag-lunch siya sa manager niya noong September 10 at tanungin ng boyfriend kung sino ang kasama niya, ang manager niya lang ang sinabi niya, pero ang totoo, kasama rin nila ang isang guy from the industry na hindi na pinangalanan.

Abante Hiring – IT dep

Eh, nabuking ng hairstylist/boyfriend at two days after, sinadya ni Hara ang salon ng boyfriend para magpaliwanag kung bakit kinailangan niyang magsinungaling dito, pero hindi na raw siya pina­kinggan at pinaalis pa sa salon.

Nang tanungin si Hara kung bakit nga ito nagsinungaling pa, sinabi niyang, “He usually treats me well and is friendly. However, we fight whenever other men are brought up. He scarily changes if a close acquaintance or older friend contacts me. He says things that are hard to bear. I didn’t want to fight [over something like that], so I didn’t tell him when there was a gathering with other men. It was the same that day. I didn’t want to cause trouble.”

Kasama ni Hara na nagpa-interview ang housemate niya na nagbigay rin ng sariling account nito sa pangyayari.

Dahil daw sa isyu/scandal na ito, alam daw ni Hara na posible siyang mawalan ng career. Pero ayaw raw niyang manahimik lang at hayaan ang mga maling naglalabasan o ang version na pinapalabas ng ex-boyfriend na niya na siya lang ang nanakit dito.

Ayon kay Hara na naglabas din ng medical report para patunayang pinuwersa siya sexually ng boyfriend nu’ng gabing ‘yun, “I know what I did was wrong. Regardless of the reason, I am apologetic. I did not want to become the subject of malicious gossip again. It was also embarrassing to do an interview over an incident like this. However, I thought that I have to reveal the truth immediately. Even if I am unable to work again, what is false is false.”

Ibinahagi nga rin niya ang naging diagnosis ng gynecologist and orthopedist na tumigin sa kanya na ang nakasaad, nagkaroon siya ng uterus and vagina hemorrhage, cervical sprain, facial contusions and sprain, lower leg contusions and sprain, right forearm and additional sprains.”

Shocked naman ang netizen sa rebelasyon na ito ni Hara at naniniwala sila sa mga medical report na isiniwalat nito ay talagang na-abuse sexually at physically ang actress/singer.
Sabi ng isang netizen, “Damn those injuries sounds severe, those are like more of a somebody being assaulted … way more severe than just scratches the boyfriend received which to me feels like it might be Hara defending herself.”