Abante Tonite Interactive

Good luck sa mga gustong mag-migrate sa ibang bansa

543

Palasyo sa mga opposition supporters

Hindi pipigilan ng gobyerno ang mga Pilipinong nais na lamang manirahan sa ibang bansa matapos umanong madismaya sa resulta ng katatapos na midterm elections.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos mag-trending sa social media ang planong pag-migrate ng mga supporters ng Otso Diretso sa Canada, Australia at New Zealand.

Dismayado umano ang mga supporters ng Otso Diretso dahil natalo sa katatapos na halalan noong Lunes, May 13 ang kanilang mga kandidato.
Ayon kay Panelo, malayang gawin ng mga dismayadong Pilipino ang kanilang planong mangibang-bansa pero dapat tandaan aniya na mas masarap pa ring manirahan at mabuhay sa sariling bayan.

“We wish them luck.They should remember that there’s no place like home,” ani Panelo.

Pabiro pang sinabi ng kalihim na mag-ingat ang mga gustong mag-migrate sa Canada dahil baka mapabilang ang mga ito sa kanilang basura.

“Baka mapasama sila sa basura doon,” ang pabirong sinabi ni Pa­nelo. (Aileen Taliping)