Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Good vibes buhos kay Abueva

0 146

Tuloy ang buhos ng good vibes kay Calvin Abueva.

Nakabalik sa PBA matapos ang 16-month layoff, nakalaro na rin si sa Pampanga bubble mula October at instrumento sa palaot ng Phoenix Super LPG hanggang semifinals ng Philippine Cup.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parang hindi kinalawang ang The Beast mula indefinite suspension, maangas pa ring nagpamalas ng husay sa nag-iisang torneo ng Season 45. Contender pa siya sa Best Player of the Conference, pangalawa sa stats race kay Ray-Ray Parks ng TNT.

At maamo ang The Beast habang naglalaro sa kanyang hometown sa Angeles City, pati si commissioner Wilie Marcial ay natuwa. Binigyan siya ng maagang Christmas gift ng Fuel Masters. Papipirmahin ng panibagong three-year deal. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.