Abante Tonite Interactive

Good vibes hatid ng mga atletang Pinoy

114

Dear Abante Tonite Editor:

Nakakatuwa ang suportang binibigay ng bawat Pilipino sa mga atleta natin na lumalaban sa Southeast Asian Games. Ngayon nangibabaw ang iba’t ibang kuwento nila para makamit ang karangalan ng bansa.

Nakakatindig balahibo rin kapag napanood ang ­pagwawagi ng mga Pinoy lalo na sa malalakas na kalaban, tulad ng nangyari sa pambato natin sa men’s volleyball kontra defending champion Thailand.

Nito ko lang nalaman na higit apat na dekada ang hinintay natin para sa panalong ito.

Tunay nga na napakamakasaysayan ng sandaling ito para sa ating lahat. ‘Yung pagod, tuwa, emosyon ng mga manlalaro, talagang damang-dama nating lahat.

Dahil rin sa palarong ito, naipakita natin ang ­kahusayan, hindi lamang sa sports pero maging ang katangian natin bilang Pinoy.

Tulad ng pagiging matulungin, na ipinakita ng surfer na si Roger Casugay na tumulong sa Indonesian na kalaban. Pinasalamatan pa siya ng presidente ng nasabing bansa dahil sa kanyang nagawa.

Nagkaroon man ng ilang aberya at mga issue noong unang linggo ng event, hindi naman nito naharangan ang pagmamahal at suporta ng bawat isa sa mga kapwa natin Pinoy.

Abby Gracia