Abante Tonite Interactive

GOOD VIBES SA PASKO!

By
22

May pa-Christmas postcard din si Richard Gomez na pinost nito a few days ago sa kanyang IG account.

Nasa gitna ng pineapple fields ang guwapong Mayor ng Ormoc kasama ang beautiful wifey niyang si Leyte Congresswoman Lucy Torres-Gomez at ang dalaga na nilang anak na si Juliana.

14-anyos na si Juliana, na parang mas matangkad na sa Mommy Lucy niya.

Simpleng ‘Merry Christmas’ ang nakasulat sa card ng Gomezes, na ang caption ni Goma ay, “Have yourself a merry little Christmas!”

May mga nag-comment na parang movie poster ang shot ng pamilya Gomez.
Maging si Bea Alonzo ay napa-comment dito ng, “Ang ganda!!!”

***

PARTE na ng Pasko ang ‘from our family to yours’ na piktyuran ng mga pamilyang Pinoy.

Madalas na ginagawa itong Christmas card at saka ipinapadala sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

Ngayon, dahil sa social media ay puwedeng hindi na ito i-print at i-send physically, i-post mo lang sa account mo o kaya ay i-email, i-DM o i-PM sa friends and family, achib na.

Sen. KIKO, SHARON & family
Sen. KIKO, SHARON & family

Paperless na ang labanan dahil sa digital and new media, pero merong iba na mas feel pa rin ‘yung good old Christmas card na may handwritten dedication.

Isa si Sharon Cuneta sa pinakaunang nag-post sa social media ng holiday picture nilang pamilya.

Dahil sobrang naaaliw si Shawie sa Instagram na recently niya lang na-discover, early December ay pinost na niya ang isang magandang shot mula sa latest photo shoot nilang pamilya.

“MALIGA­YANG PASKO PO AT MANIGONG BAGONG TAON!!! Nawa’y pagpalain tayong lahat ng Panginoon ngayon at sa darating na 2017.

“Nagmamahal, Kiko, Sharon, KC, Frankie, Miel, Miguel, at (ang aming bunsong apat ang paa!) Daisy. :-)” caption dito ni Sharon, na may kasunod pang translation na…

“MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!!! May God our Father bless us now and in 2017. Lots of love from Kiko, Sharon, KC, Frankie, Miel, Miguel, and (our four-pawed fur-baby!) Daisy. :-)”

Bukod sa kanyang happy family life, in fairness ay mukhang magiging bonggah ang 2017 ni Sharon dahil may movie sila ni Gabby Concepcion sa Star Cinema.

Tuloy rin ang pagiging judge niya sa Your Face Sounds Familiar: Kids.

***

DAWN & family
DAWN & family

Christmas 2016 ang nakasulat na holiday pic ni Dawn Zulueta-Lagdameo kasama ang mister niyang si dating Congressman Anton Lagdameo at mga anak nilang sina Jacobo Antonio at Ayisha Madlen.

“May the warmth and joy of the Christmas season remain with you throughout the coming year,” ang caption ni Dawn sa pinost niyang greeting card.

Tumatangkad na ang 11-anyos na panganay ni Dawn na si Jacobo.

May kasama ring aso sa photo ng Lagdameo family, ang malaking pet dog nila na isang Great Dane.

Kamukha ng nasabing pic ang pinost ni Dawn nu’ng Thanksgiving last November, pero sa version na ‘yon ay nakayakap si Ayisha sa alaga nilang aso.

Bago ‘yung postcard ay nag-post din ang magandang aktres ng pic at video ng kanilang Christmas tree sa magarang bahay nila sa Makati.

May pretty shot din si Ms. Dawn ng kanyang freshly baked homemade fudge brownies na nasa cute na snowman plate at may katabing Christmas trimmings.

May hatid na warm, fuzzy feels ang Christmas cards ng showbiz families na parang nagpapaalala sa ating lahat na ang Pasko ay para sa pamilya.

MAKABULUHANG PASKO, PILIPINAS!!!