Abante Tonite Interactive

Goodwill exchange race

125

Nagoya, Japan — Isa na sa malalaking karera­han sa Japan ang Chukyo Racecourse, na nabisita ng Abante Tonite nitong nakaraang weekend, na pagmamay-ari ng Japan Racing Association na siyang nagpapatakbo ng industriya ng karera doon.

Pero may siyam na iba pang karerahan na pinamamahalaan din ng JRA na nakakalat sa buong Japan, bukod pa sa kulang-kulang 50 maliliit na karerahan doon na pinagkakaabalahan ng milyong racing aficionados. Ito ang dahilan kung bakit ang Japan ang pinakamatinding bansa sa buong mundo kung saan napakalakas ng industriya ng karera.

subalit hindi pinakasikat ang Chukyo sa nasabing 10 karerahan ng JRA. Panglima lang ito kung ire-rate silang lahat.

Ang No. 1 siyempre ay ang Tokyo Racecourse na makikita sa kapitolyo ng Japan kung saan ginaganap ng karamihan ng malalaking international races sa Japan.

Ang pumapangalawa ay ang ang Kyoto Racecourse habang ang Nakayama Racecourse naman ang ikatlo.

Ang iba pang mga ay kinabibilangan ng, (4) Hanshin Racecourse, (5) Chukyo Racecourse, (6) Niigitia racecourse, (7) Fukushima Racecourse, (8) Sapporo Racecourse, (9) Kokura Racecouse, at (10) Hakodate Racecourse.

Sa Sapporo Racecourse malapit ang halos lahat ng mga Pilipinong hinete na nagtatrabaho sa mga horse farms sa Hokkaido.

Nitong nakaraang weekend ay ginanap ang JRA Asia week of Ra­cing kung saan anim na  bansa sa Asya ang inimbitahan sa dalawang araw ng pagdaraos ng mga trophy races kasama na rin ang Pilipinas na nireprentahan ng Metro Turf, ang host ngayon taon ng pantaunang JRA Cup na siyang goodwill exchange race.