Abante Tonite Interactive

Goodyear Steel manager inambus

By
876

Patay ang manager ng isang steel company matapos abangan at pagbabarilin ng dala­wang ‘di pa nakikilalang lalaki sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni Caloocan Police deputy chief for administration Supt. Ferdinand del Rosario, kinilala ang biktima na si Jayson Cuadrasal, 31-anyos, residente ng Lakas ng Mahirap, Barangay 12 sa nasabing lungsod, at manager ng human resources (HR) ng Goodyear Steel Corporation sa Quezon City.

Bandang alas-6:30 ng umaga nang lumabas sa kanilang bahay ang biktima upang bumili ng almusal nang sundan siya ng dalawang suspek na naghihintay na umano sa kanyang paglabas.

Ilang hakbang na lang sana sa tindahan ang biktima nang pagbabarilin siya ng mga suspek at tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agarang pagkamatay.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.