Abante Tonite Interactive

Gordon dinaga, nagpasaklolo sa NBI

452

Sa takot na manganib ang buhay sapul ng kanyang pamilya, nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI)si Senador Richard Gordon kaugnay nang natanggap na mga death threats na pinaniniwalaang may kinalaman sa Senate inquiry sa ‘ninja cops’ at sa anomalya sa Good Conduct Time Allowance (GTCA).

Naatasang tumutok sa kaso ang Counter Terrorism Division ng NBI.

“The CTD is hereby designated as the lead division to intensify intelligence gathering of threats against him and his family considering the result of the Senate investigation on the GCTA of convicted persons detained at the Bureau of Corrections which also led to the ‘ninja cops’ controvery” ayon sa NBI Director Dante Gierran.

Inutos NBI-CTD na higpitan ang seguridad ni Gordon at pamilya nito, gayundin ang pagpapalakas ng intelligence sa mga death threat sa pamilya Gordon.

Binigyan na ng NBI ng security si Gordon sa mga out of town trip sa pakikipag-ugnayan sa Senate staff.

Nasa 13 pulis kasama si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde ay nahaharap sa kasong kriminal matapos akusahan nang pagre-recycle at pagbebenta ng P700 milyong nasabat na droga noong Nobyembre 2013.

Dalawang police major ang na-dismiss sa serbisyo habang isa ang nakakulong sa Bureau of Corrections matapos na ipa-contempt ni Gordon makaraang akusahang nagsisinungaling sa kanyang testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee.

Nasa mahigit libong mga convict ang inutusan ng BuCor na sumuko makaraang matuklasan ang anomalya sa ginawang paggagawad ng Persons Deprived of Liberty o PDL kasama si Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ilang opisyal ng BuCor ang nahaharap sa kasong administratibo kasunod nang GCTA hearing. (Nancy Carvajal)