Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gordon namamalimos para sa mass testing

0 308

Naglunsad ang Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ng COVID Samaritan program para magkaroon ng mass testing.

“Kailangan ma-test ang mga tao para manalo tayo laban sa COVID. This way, carriers can be separated from those who are not infected and they can be cured,” ani Gordon na siyang chairman at chief executive officer ng PRC.

Sa ilalim ng naturang programa, ang mga matatanggap na donasyon ang siyang gagamiting pambayad sa COVID-19 test.

Ibinunyag pa ni Gordon na mayroon nang mga kompanyang nag-donate para sa programang nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.