Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gordon nilinis Pharmally sa tongpats

0 79

Kasama ang testimonya umano ni Senador Dick Gordon sa gagawing report ng Kamara na walang overpricing o tongpats sa mga biniling medical supply ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ipinahayag ito ni DIWA party-list Rep. Michael Aglipay, chairperson ng House committee on good government and public accountability, dahil batay umano sa mga ebidensiya at testimonya, malinaw na hindi overpriced ang mga biniling medical supply ng gobyerno sa Pharmally.

“Concluded ko na po na walang overpriced dahil maraming nagsalita including Senator Dick Gordon on the opening statement of the seventh hearing of the Senate Blue Ribbon sabi niya, ‘payag na ako Mr. President na walang overpriced pero may fraud and abuse,’” ayon kay Aglipay.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Aglipay na hindi nangangahulugan na lusot na ang mga ahensiya ng gobyerno dahil mayroon pa umanong ibang alegasyon katulad ng sinasabing sabwatan sa pagitan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) at mga opisyal ng Pharmally.

Hindi rin umano basta na lamang tatanggapin ng komite bilang katotohanan ang mga sinabi ng Pharmally executive na si Krizle Grace Mago.

Ayon kay Aglipay, masusing pag-aaralan ang mga sinabi ni Mago na dapat ay tumugma sa iba pang ebidensiya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi naman tayo bobong pinanganak kahapon na kung ano `yong sinabi n’ya `yon na `yong papaniwalaan natin. Siyempre we have to take it with a grain of salt. Kailangan natin analyze word for word `yong statement n’ya, babasahin ko anim na beses at lalabas din `yong katotohanan dun sa `pag i-corroborate mo `yan dun sa iba ibang dokumento at iba-ibang statement, lalabas din `yong katotohanan,” sabi ni Aglipay.

Nakuwestyon ang kredibilidad ni Mago matapos nitong bawiin ang kanyang naunang pahayag sa Senate Blue Ribbon committee.

Tiniyak naman ni Aglipay sa publiko na ang kanyang komite ay magiging patas, balanse at ligal.

Mayroon umanong 60 araw ang komite para tapusin ang ulat nito sa isinagawang pagdinig.

“‘Yong committee report ho ilalagay namin ‘yong statement of facts, ‘yong mga arguments, ‘yong mga basis sa law, conclusions and recommendation. Alam n’yo very serious itong topic na ito dahil inaantabayanan ng mga mamamayan natin kung meron bang violation o merong nandaya sa gobyerno,” sabi ni Aglipay.(Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.