Abante Tonite Interactive

Gordon payag amyendahan ang doble plaka law

253

Payag si Senador Ri­chard Gordon na amendahan ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act of 2019.

Ito ay sa sandaling hindi magtagumpay ang implementasyon ng batas na naglalayong masupil ang riding-in-tandem crimes at extra-judicial killings.

Ayon kay Gordon, principal author at sponsor ng batas, bukas itong ibaba ang multa na ipapataw sa mga lalabag sa nasabing batas.

“Yung multa, pwedeng babaan, pwedeng pag-usapan, pero kailangan ng amendment. Dapat pairalin na muna ito at sumunod muna tayo sa batas. Hindi pa nga pinapairal e binabaril na natin e. Let’s make the law work first. I will be the one to amend it if it doesn’t work,” diin ni Gordon.

Sinabi pa ng senador na siya ring chair ng Committee on Justice and Human Rights, na ang implementasyon ng tinaguriang doble plaka law ang maaari sanang sagot para matugunan ang EJK lalo na ang riding in tandems na kontributor sa malawakang insidente ng pagpatay.

“Everybody is complaining about EJK, e­veryone is condemning it, yet no one has done something to prevent EJK – until now. This is taking action against EJK. We are giving justice to the thousands of victims in the past three decades who could no longer speak. How do we do that? We limit the opportunity for criminals to commit crimes with impunity by using motorcycles to flee from the crime scene swiftly and easily,” ani Gordon. (Anne Lorraine Gamo)