Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gordon supalpal kay Lacson

0 93

Napikon si Senador Richard Gordon sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson na maaari lang nitong i-report sa plenary ang findings ng Blue Ribbon Committee kung lalagdaan ng mayorya ng miyembro nito.

Sa plenary session, balak sanang ilatag ni Gordon ang kanyang draft report hinggil sa diumano’y iregularidad sa PhilHealth batay sa isinagawa nilang imbestigasyon noong 2019.

Giit ni Gordon nais sana niyang isama ang Blue Ribbon report sa Committee of the Whole na iprinisenta ni Senate President Vicente Sotto III noong Martes.

Subalit tinanong ni Sotto si Gordon kung naisampa na nito ang draft report. Sabi ni Gordon, naipadala na ito sa tanggapan ng Senate President.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nais din sanang isponsoran ni Gordon ang kanyang report subalit hindi nakakuha na sapat ng lagda ng mga senador.

“It has to be read out in the order of business. What we can do is commit on Monday, first hour, we will recognize Senator Gordon to sponsor the said measure,” sabi ni Zubiri.

Dito na sumingit si Lacson at sinabing, “That is assuming majority of members of the Blue Ribbon committee will affix their signatures on the committee report”, na siyang nagpainit ng ulo ni Gordon.

Sabi ni ni Gordon, “I don’t need to be lectured on the rules. Out of respect for the Senate President, I said we are going to submit our report and it can be put together and the Senate President said it is most welcome.”

“I don’t have to be threatened that `If it will be signed by the rest of the committee.’ Kung ayaw ng mga kasama natin wala akong magagawa, `di ako mamimilit. I don’t have to be insulted as if I don’t know the rules,” sambit pa nito.

Pero giit ni Lacson, hindi niya iniinsulto si Gordon.

“It was just a statement of fact, that before we can sponsor a measure it should be signed by majority of members. It was not meant to insult Senator Gordon or anybody for that matter. We all know the rules of the Senate,” ayon kay Lacson.

Sabi naman ni Sotto, wala siyang nakikitang problema sa pagtalakay ng Blue Ribbon draft committee report sa ibang araw na maaari ring magtugma umano sa findings ng Senate Committee of the Whole sa imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.