Abante Tonite Interactive

Gorgy Rula: Jennylyn at Alden, ikinakasa sa teleserye

5

HOW true na nagre-­react na ang ­AlDub Nation sa ­balitang sina ­Alden ­Richards at Jennylyn Mercado ang magbibida sa Pinoy adaptation ng Koreanobelang Love From the Stars?

Alden Richards
Alden Richards

May ilang sour­ces ­kaming nakakausap na hindi maganda ang reaksyon ng karamihang fans ng AlDub dahil matagal na nilang hinihingi sa GMA 7 na iyun sana ang gagawing soap nina Alden at Maine.

Pero tingin namin, mas bagay kay Jennylyn ang role kesa kay Maine.

Bukod pa riyan, ang APT o Triple A ang may hawak kay Maine, kaya baka may career plan din sila sa phenomenal star ng Eat Bulaga.

Nagtanong kami sa kampo ni Alden, wala raw muna silang masa­sabi dahil mas naka-­focus pa muna sila sa pelikulang gagawin nina Alden at Maine.

Pagkatapos ng storycon, napag-usapan na nila ang schedule at ang ilang detalye ng shooting, pero wala silang ibinahagi dahil confidential pa raw ang lahat.

Wala pa raw silang napagkasunduang title ng pelikula dahil pinag-uusapan pa.

Sobrang cute daw ng kuwento na ­tinitiyak nilang magugustuhan ng ­AlDub nation.

Hindi nila maitanggi na sa ­Italy ang shooting ng kabuuan ng ­pelikula dahil lumabas na ‘yon sa social ­media.

Pagdating sa drama series sa GMA 7, wala pang ma-finalize. Ang pagkakaalam namin, hindi pa nakapag-renew si Jennylyn ng kontrata sa GMA 7 na magtatapos na sa Mayo.

Wala ring nagkumpirma kung nabigay na ba ng KBS ang rights ng Love From The Stars, kaya pinag-uusapan pa lamang ito.

Pakiusap ng kampo ni ­Jennylyn, mas ma­buting tungkol na lang muna sa peli­kula nito kay John Lloyd na Just the 3 of Us ang pag-usapan.

Wala pa tala­gang final na napag-usapan kung ano na ang drama series na gagawin nito pagka­tapos ng renewal ng cotract.