Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GOT-7 ‘mabubuwag’

0 48

Nagi-enjoy ang mga netizen sa “pa-shade” na kaganapan sa social media sa pagitan ng JYP Entertainment C.E.O. na si Park Jin Young at ng South Korean boy group na GOT-7.

Ang GOT-7 ay binubuo ng pitong miyembro, sina JB, Mark, Jackson, Jinyoung, Youngjae, BamBam, and Yugyeom. Ang JYP Entertainment ang bumuo sa kanila.

Nabuo ang grupo noong 2014 pero mukhang hindi malalagpasan ng Got-7 ang tinatawag na 7-years jinx . Di malayong ma-disband ang mga ito. May mga balita na nga na ang dalawang miyembro nito na sina Jinyoung at Yugyeom ay aalis na sa management at lilipat daw sa BH Entertainment at AOMG respectively.

Napansin ng mga netizen na ang C.E.O. ng JYP Entertainment na si Park Jin Young ay ini-unfollow ang 3 miyembro na sina Jinyoung, Bambam at Mark. At never naman daw nitong pina-follow si JB, though, he’s still following Yugyeom, Jackson at Youngjae.

Kung ang JYP Nation Twitter account ay pina-follow pa rin ang GOT7, pero ang personal account ni Park Jin Young ay hindi na pina-follow ang GOT7 official Twitter account, gayundin ang lahat ng Twitter account ng miyembro.

Na-check na rin ng mga fan na may mga artist dati ang JYP na umalis na tulad nina Bae Suzy, Ok Taecyeon, Baek A Yeon na kahit wala na sa agency, patuloy pa rin nitong pina-follow. Kaya alam nila na may “something” na talaga sa pagitan ng GOT7 at ng JYP.

Kapansin-pansin din ang pagdi-delete ng ilang miyembro ng mga old post nila sa Instagram at Twitter tulad ng picture na kasama si Park Jin Young o tweet ng isang member na, “JYP is the best!”

Malapit ng mag-expire ang kontrata ng mga ito sa agency. Ang hihihintay na lang ng mga netizen, kung iiwan na ng pitong miyembro ang JYP na bumuo sa kanila or magsisimulang muli on their own.

Para sa Korean netizens, tila napabayaan naman daw ng JYP Entertainment sa nakaraang ilang buwan ang grupo. Dahil dito, hindi nakapagtatakang umalis sila.

Pero ang sigurado, base sa mga paga-unfollow at mga ganap nila sa social media, kumbaga sa magkarelasyon, ang pangit ng magiging break-up nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.