Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GOT7 buwag na

0 81

May dahilan para malungkot ngayon ang mga tagahanga ng South Korean boy group na GOT7. Kumpirmado na ang pagdi-disband ng grupo. Ang pitong miyembro ay magkakaroon na ng kanya-kanyang solo career.

Hindi na talaga nag-renew ang lahat ng miyembro ng GOT7 sa JYP Entertainment. Una silang nag-sign sa agency noong 2014.

Ayon sa isang insider, very close raw ang pitong miyembro sa isa’t-isa at gusto nilang mag-stay pa rin together. Pero after much thoughts and talks, nagkahiwa-hiwalay rin sa kung ano lang label na gusto nila.

Sa pito, ang kumpirmado pa lang na may bagong label na ay si Jinyoung na pipirma sa BH Entertainment. Si Yugyeom ay balitang pipirma sa AOMG. Si Youngjae naman ay Sublime Artist naman daw pupunta. Si Jackson naman ay magpapatuloy sa Team Wang. Habang si Mark ay babalik sa America at sisimulan ang planong gumawa ng sariling YouTube channel.

Sinisisi ng mga fan ang CEO ng JYP Entertainment na si Jay Park or Park Jin Young. Isa sa comment ng netizen, bilang CE0 ng agency, ang i-promote raw ay ang mga artists at hindi ang sarili niya.

Sa isang banda, posible pa ring mapanood ang grupo ng buo kapag may pagkakataon na magkakasama sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.