Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gov sinuway IATF, yari sa DILG

0 72

Inisyuhan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isang gobernador dahil gusto pa rin umanong isailalim sa COVID-19 test at quarantine ang mga opisyal at kawani ng national government na papasok sa kanilang probinsya kahit binigyan na ang mga ito ng exemption.

Inihayag ito ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa isang online media forum nitong Linggo subalit hindi binanggit ang pangalan ng gobernador o kahit ang probinsya nito.

Sabi ni Densing, hindi puwede ang nais mangyari ng gobernador dahil mayroon nang guideline sa pagbiyahe ng mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ng gobyerno basta magpakita lamang ng patunay na mayroon silang travel order at walang sintomas ng sakit.

Kamakailan lamang ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang isang resolusyon kung saan binigyan ng exemption ang mga opisyal at kawani ng national government sa COVID-19 test at mandatory quarantine sa kanilang pagpunta sa ibang lugar. Layon nito na hindi maabala ang kanilang pagtupad sa tungkulin.

Mahalaga lang ay magpakita ng valid ID at original o certified true copy ng Travel Authority/Order na inisyu ng Department Secretary o ng kanyang opisyal sa kinaaanibang ahensya ng gobyerno.

“‘Wag natin pigilan `yong ating mga empleyado ng national government para gampanan ang kanilang trabaho,” ayon kay Densing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.