Abante Tonite Interactive

Government negotiator may backchannel talks sa kampo ni Joma

By
1,813

May ginagawang backchannel talks o informal talks ang mga negosyador ng gobyerno sa grupo ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria ­Sison sa Europa.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang paghahanda sa 60 days deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte para muling mag-usap ang gobyerno at grupo ni Sison.

Sinabi ni Roque na batay sa report na nakarating sa Pangulo, mayroong inisyal na positibong resulta sa back channel talks.

“President Duterte was briefed last night after the Cabinet meeting by ­Cabinet Secretaries Jesus Dureza and Silvestre ­Bello to inform him that the efforts to resume peace negotiations with the CPP-NPA-NDF are underway with backchannel informal talks now taking place in ­Europe.

“Secretaries Dureza and Bello informed the President that his clear directives are being relayed across the table, and are now the subject of discussions in the ongoing meetings,” ani Roque.

Inaasahang dara­ting sa bansa sa lalong madaling panahon ang team ng gobyerno para ibalita kay Pangulong Duterte ang kinalabasan ng informal talks.

Batay sa kundisyon ng Pangulo, dapat sa Pi­lipinas gawin ang peace talks at sasagutin nito ang gastos sa akomodasyon at pagkain ng mga miyembro ng peace panel ng CPP-NPA-NDF. (Aileen Taliping)