Abante Tonite Interactive

Govs’ Cup: Travis balik sa Magnolia

385

Ibabalik ng Magnolia Pambansang Manok si Romeo Travis para giyahan ang kampanya ng team sa pagdepensa ng titulo ng PBA Governors Cup.

Nagsimula nang mag-ensayo ang Hotshots nitong Lunes, sa Martes ang inaasahang dating ni Travis.

Binanderahan ni Travis ang Magnolia sa pagkalos sa Alaska sa anim na laro para itaas ang kampeonato ng Governors Cup nitong December.

May isang buwan na magpapakondisyon ang import bago sumiklab ang torneo sa Sept. 20.

Tapos ng termino sa Hotshots, nangampanya sa ASEAN Basketball League si Travis para sa Thailand-based Mono Vampire. March ay ‘di na nakapaglaro ng competitive basketball ang 34-anyos na import.

Nagsisimula na raw siyang magpakondisyon.

“I talked to him a few weeks back at ang assurance niya, walang magiging problema sa kondisyon niya pagdating niya rito,” lahad ni coach Chito Victolero.

Nagsisimula na ring bumalik ang laro ng ga-ling injuries na sina Marc Pingris at Rafi Reavis.

Naka-isang laro lang si Reavis sa Commissioner’s Cup.

Si Pingris ay March 2018 nagka-injury sa tuhod, matapos ang 16 na buwan ay nakabalik nitong June at naka-siyam na laro pero limitado ang minuto.
“Maibalik lang rhythm nu’ng dalawa, and ma-build lang ulit chemistry with our import, I think we’ll be fine,” panapos ni Victolero. (Vladi E­duarte)