Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Govs’ Cup tuloy ng PBA

0 157

Tuloy ang resumption ng Governors Cup sa susunod na buwan.

Sa special PBA Board meeting Lunes, nagkaisang inaprubahan ng 12 team representatives ang balik-laro sa first week ng February.

Ipinunto ng mga kinatawan ng teams na pababa na ang kaso ng COVID-19 infections sa Metro Manila.

Inilagay sa Alert Level 3 ang National Capital Region, tinigil din pansamantala ang season-ending conference mula January 5.

Dec. 26 ang huling laro bago nagkaroon ng holiday break.

Ayon kay commissioner Willie Marcial, hihintayin na lang nila ang go-signal ng local government units para makapag-scrimmage ang teams.

Nabanggit ni Marcial na hihirit sila kay MMDA chairman Benhur Abalos na siya na lang makipag-usap sa LGUs para magkaroon ng approval ang full practice sa kani-kanilang nasasakupan.

“Si chairman Abalos na lang kakausapin natin para rekta na,” anang PBA chief. “Siya na lang magsasabi sa LGUs, tulad ng ginawa natin nu’ng June.”

Bibigyan ng 10 days na scrimmages ang teams bago ang balik-laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.