Abante Tonite Interactive

Gov’t employee pinatay habang nagpapagawa ng bahay

432

Patay ang isang empleyado ng gobyerno nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, Miyerkoles nang gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang si Ismael Villafane, 57, taga- Congressional Mac Del House, Camarin ng nasabing lungsod.

Sa pagsusuri ng Scene on the Crime Operatives, mga tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng ­katawan ang siya nitong ikinasawi.

Ayotn kay P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration, alas-8:45 ng gabi nang mangyari ang krimen sa Given Chy St., Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.

Tinitingnan ni Villafane ang ipinagagawa nitong bahay nang biglang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at panabayang pinaputukan ang nakatayong biktima.

Nang makumpirmang patay na ang target tumakas na ang mga ito.

Pinagtulungang dalhin sa pinakamalapit na ospital si ­Villafane pero wala na itong buhay.

Inaalam na ng Caloocan Police ang motibo sa pamamaslang. ­(Orlan Linde)