Abante Tonite Interactive

Gov’t official naging tsimay ng lady solon

By
201

Sa kanyang opisina, siya ang boss at nag-uutos sa mga emple­yado at opisyal na nasasakupan ng kanyang tanggapan.

Subalit kapag bumibisita siya sa tanggapan ng isang babaeng mambabatas, nagiging tsimay ang kanyang dating kapag nadidikit sa lady solon.

Naispatan ng Tonite ang government official habang katabi ang mambabatas, pero nagmistula itong kasambahay na nag-aabang ng utos ng pinagsisilbihang amo.

Dati kasing nagkaroon ng koneksyon ang government official sa lady solon at kahit ngayong nakaupo pa rin ang mambabatas, hindi matapos-tapos ang pagsisilbi ng opisyal.

Kung nagkataong nakasuot ng puting damit ang opisyal, aba’y baka tawagin itong “Inday” ng ilang taong hindi nakakakilala sa kanya.

Clue: Ang government official na nagmukhang tsimay nang madikit sa lady solon ay kamukha ng artistang si Mahal kaya’t pabor siya sa mga mahal na presyo.