Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gov’t official sa revgov sibakin-Akbayan

0 227

“Kung wala talagang kinalaman si Mr. Duterte sa panawagang RevGov, dapat niyang sisantehin mula sa posisyon ang lahat ng kanyang opisyales na sumuporta dito.”

Ito ang pahayag ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales, Miyerkoles, matapos dumistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga supporter nito na nagtutulak ng revolutionary government.

“Litmus test” umano ang hamon ng Akbayan kay Duterte na tanggalin sa posisyon ang lahat ng mga administration official na inendorso, sumuporta, at nakilahok mismo sa mga rally at iba pang aktibidad ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

“Simple lang. Kung wala talagang kinalaman si Mr. Duterte sa panawagang RevGov, dapat niyang sisantehin mula sa posisyon ang lahat ng kanyang opisyales na sumuporta dito. Otherwise, Mr. Duterte admits that he is a lameduck president, who has no control over his people, or the real architect of the calls for RevGov,” ani Rosales.

Napaulat na tinukoy ni MRRD-NECC deputy national spokesperson Bobby Brillante si Interior Assistant Secretary Martin Diño bilang nangungunang participant sa open call ng grupo para sa RevGov.

Si Interior Undersecretary Epimaco Densing III ay nauna nang nagpahayag ng suporta sa revgov.

Leave A Reply

Your email address will not be published.