Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gov’t property ibebenta para sa COVID bakuna

0 586

Kinokonsidera ng pamahalaan na ibenta ang mga asset nito para bumili ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine, ayon sa Malacañang kahapon.

“Basta po mayroon ng gamot diyan sa COVID-19, basta may bakuna, ibebenta natin lahat ng ari-arian ng gobyerno para makabili po tayo para sa ating mga kababayan,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing.

“Iyan po ang paninindigan ni Presidente – buhay muna bago ari-arian,” dagdag ni Roque.

Sa ngayon, wala pang napatutunayang gamot o bakuna para sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.