Abante Tonite Interactive

Gown ni Kim ginawang Shawarma

521

Hanggang ngayon ay viral pa rin ang mga memorable moments sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019. Isa nga sa pinagpipistahan ay ang video na binubuhat ni Xian Lim ang girlfriend na si Kim Chiu pababa ng hagdan danil nahihirapan ang aktres na maglakad because of her fabulous gown.

Sobrang sweet nga ng dating lalo pa nga’t napakaraming tao du’n at bihirang boyfriend ang gumagawa ng ganu’n sa girlfriend especially kung maraming nakakakita. Kita mo talaga na kahit nahihirapan ang aktor ay kinaya niya talaga hanggang sa baba.

Viral din ang mermaid-tail gown ni Kim na ginawan ng mga netizens ng mga kung ano-anong funny memes. Naro’ng gawin siyang shuttlecock or bola ng badminton, eroplanong papel, arrow, table napkins, bouquet of flowers, shawarma at kung ano-ano pa.

Pinagpistahan din ng netizens ang photos and video nina Jolina Magdangal and Marvin Agustin na magkasama. Magkasabay na rumampa sa red carpet ang dating magka-love team at ang daming positive feedbacks which means may hatak pa rin ang tandem nila.

Natawa naman kami sa komento ng netizens tungkol sa suot ni Fumiya na pinagsama raw na Japan. May nagsabi rin na mukha raw siyang boss sa video game.

“Siya ‘yung boss na kelangan mong talunin bago mo kalabanin si Ma’m Charo,” komento ng netizen.