Abante Tonite Interactive

Goyo parang pista ang premiere night

By
498

Imbitado ang diva that you love sa Goyo: Ang Batang Heneral world premiere na showing sa September 5. Parang pista sa industriya ng pelikulang Filipino ang nasabing event.

Siyempre pa, hindi pakakabog ang inyong lingkod sa red carpet, naka-black ang white evening dress na likha ni Albert Figueras, huh!

Ilan sa mga estrella artista sighting­s, maliban sa mga kasali sa pelikula siyempre pa ay ang hindi masyadong naghanda, si Iza Calzado na devastatingly beautiful in her the lady in red drama.

Abante Hiring – IT dep

Si Bea Alonzo, parang stepping out from the pages of a fashion magazine, hoop earrings, check. Matchy-matchy ang kanyang high waisted pants at blazer, copper shirt ang center piece.

Present rin ang bagong duo na sina Rhian Ramos at ang muy guapito at parang ang bango-bangong si JM de Guzman.
Siyempre, pag andiyan si JM, present rin si Barbie Imperial na naka-V-neck midrib with bell sleeves at black dress pants.
Sighted din ang mga Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. All by myself si Lovi Poe.
Si Jane Oineza, parang doppelganger na ni Sue Ramirez. Hindi ko namukhaan agad ang starlet.
Sa true lang, naguwapuhan ako kina JC Santos, TJ Trinidad, Juancho Trivino na pawang best in smart casual.
Of the very, very important persons, ang arrive nina Irene Marcos-Araneta at asawan­g Greggy Araneta, iba ang impact, huh! Super alta ang dalawa at hindi umeeksena!(Alwin Ignacio)