Abante Tonite Interactive

Grab 2 taon nang pasaway sa mga choosy driver

By
1,082

Higit dalawang taon nang niloloko ng Grab Philippines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa mga driver nilang pumipili ng pasahero.

Ito ang binanggit ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles matapos tanggalin ng Grab ang apps na tumutukoy sa destinasyon ng nagbu-book na pasahero upang hindi makatanggi ang mga driver.

Nilinaw ni Nograles na matagal nang nag­labas ng direktiba ang LTFRB hinggil dito pero ngayon lang umaksiyon ang Grab nang lumobo ang mga nagrerekla­mong pasahero.

“Thank you Brian Cu and Grab Philippines for finally implementing the LTFRB order after more than 2 ½ years,” diin ng kongresista.

Batay sa ulat, simula sa Biyernes, Abril 27, tatanggalin na system ng Grab ang passenger destination bago tanggapin ng mga driver ang booking.
Sa ganitong paraan, mababawasan na ang pagkansela sa biyahe.

Sa dating sistema, nakikita ng mga driver ng Grab ang destinasyon ng mga pasahero kaya nakakapagdesisyon ang mga ito kung tatanggapin o ire-reject ang booking.