Abante Tonite Interactive

Grab audio, video recording nireklamo sa NPC

279

Pinatawag ng Natio­nal Privacy Commission (NPC)kahapon ang Grab Phi­lippines para sagutin ang mga alinlangan at reklamo laban sa audio at video recording nito ng mga pasahero sa mga biyaheng naka-book sa Grab.

Inilunsad ng Grab Phi­lippines ang pilot test ng audio at video recording ng mga biyahe nito ngayong linggo para sa kaligtasan ng mga pasahero at driver nito. Nagsimula ito noong Enero 13 at tatakbo nang dalawa hanggang anim na linggo sa mahigit 180 na sasakyan ng Grab Car.

“We understand that Grab designed their new systems as additional security to both drivers and passengers. But to avoid serious breaches of privacy, the commission must ensure that their new system is compliant with the Data Privacy Act and adhering fully to the principles of transparency,
proportionality, and legitimate purpose,” sabi ni Olivia Khane Raza, hepe ng compliance and monitoring division ng NPC.

Isinagawa ito makaraang magkaroon ng mga insidente noong nakaraang taon, ng pag-kidnap at pagpatay sa ilang driver ng Grab. (Eileen Mencias)