Abante Tonite Interactive

Grab binigyan ng ultimatum sa mataas na singil

403

Binigyan ng ultimatum ng Philippine Competition Commission ang Grab Philippines Inc. ng hanggang October 20 para ayusin ang partikular sa mataas na singil na ikinadedehado ng mga commuter na walang ibang choice kundi sumakay sa kanila dahil hawak nila ang monopolya sa ride-hailing market.

Ayon sa PCC kahapon, isang taon na ang nakalipas simula nang binigyan nito ang Grab ng conditiona­l clearance sa pagbili nito sa kanilang kalaban noon na Uber at ito pa rin ang naghahari sa naturang negosyo sa kasalukuyan.

Dapat umanong pawiin ng Grab ang mga alinla­ngan ng PCC dahil sa voluntary commitments nito nu’ng isang taon ngunit bigo ito.

Sabi ng PCC, ini-extend nila ang voluntary commitment ng Grab hanggang October 20 para magbi­gay-daan sa negosasyon tungkol sa kawalan ng kompetisyon sa merkado.(Eileen Mencias)