Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab driver bigtime tulak pala, timbog

0 64

Nadakma ng mga awtoridad ang Grab driver na sinasabing nasa District Level Top 4 drug personality sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Ronnie S Montejo, ang nadakip na si William Roadilla, 30, at residente ng Brgy. Tandang Sora.

Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya sa iligal na aktibidad ni Roadilla kaya agad na ikinasa ang buy-bust at naaresto ito sa Apollo Street ng nasabing barangay alas-12:50 Sabado ng madaling-araw.

Umiskor ang poseur buyer ng P8,500 halaga ng shabu sa suspek, na dahilan ng pagdakip dito. Nakumpiska kay Roadilla ang 10 gramo ng shabu na nagkakahala ng P68,000 at cellular phone na gamit nito sa drug deal.

Mahaharap ang nasabing Grab driver sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon ang kompanya sa insidenteng kinasangkutan ng kanilang driver. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.